MANILA, Philippines – MAHIGIT 3,000 pamilya ang naapektuhan ng southwest moonson dulot na din ng bagyong Carina makaraang ilikas ang mga ito ng pamahalaang Lungsod ng Maynila sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod.
Batay sa ulat ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na pinamumunuan ni Director Re Fugoso, ang naturang bilang ay inisyal na ulat pa lamang nitong alas-12 ng madaling-araw ngayong Huwebes.
Sa bilang na ito, 895 families ang galing sa District 1; 548 families ay mula sa District 2; sa District 3 ay 503 families at limang indibidwal; sa District 4 ay 186 families at 18 indibidwal; District 5 ay 81 families ; at sa District 6 ay 406 families.
May kabuang 3,739 families at 23 indibidwal ang nailikas sa mga evacuation centers gaya ng Del Pan Evacuation Center, pampublikong eskwelahan, mga covered court at ang evacuation center sa Office of the Vice President sa Tondo.
Ang dahilan nang paglilikas ay ang gumuhong mga bahay at lumubog sa baha dahil sa malakas na ulan na hatid ng bagyong Carina at southwest moonson.
Ayon kay Fugoso, patuloy ang pagdating ng tulong ng Manila Social Welfare Department sa mga pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Samantala, makatatanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaang lungsod ang nasa 400 pamilya na nawasak ang tirahan matapos tangayin ng malalaking alon at malakas na hangin partikular ang mga nakatira sa Isla Puting Bato at Parola Compound sa Tondo.









