Home NATIONWIDE Higit 68,000 PDL nagparehistro para sa Eleksyon 2025

Higit 68,000 PDL nagparehistro para sa Eleksyon 2025

Aabot sa 923 Person Deprived of Liberty (PDL) ang boboto ngayong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Bureau of Correction mula sa Maximum, Minimum at Medium Security Compound ng Bucor. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections na nasa 68,448 na mga persons deprived of liberty ang nagparehistro para makaboto sa 2025 midterm elections.

Sa nasabing bilang, sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferrolino, na kasama sa kanila ang 993 na boboto sa labas ng piitan at e-escortan ng mga awtoridad.

Pero, ayon sa komisyuner, maari pa itong mabawasan depende sa usad ng kaso ng mga PDL gayundin ang mga posibleng mapalaya bunga ng pag-apruba sa kanilang GCTA o General Conduct Time Allowance.

Salig naman sa desisyon ng Korte Suprema, binigyang diin ni Comelec Chairman Erwin Garcia na maaring bumoto ang mga PDL na naka-apela pa o wala pang pinal na desisyon ang mga kaso.

Nitong Huwebes ng umaga, lumagda sa kasunduan ang COMELEC, Public Attorney’s Office, Bucor at BJMP para sa pagsasagawa ng Edukasyon at botohan sa susunod na taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)