Home NATIONWIDE Higit 80 pamilya nananatili sa evacuation center sa Kyusi

Higit 80 pamilya nananatili sa evacuation center sa Kyusi

240
0

MANILA, Philippines – Hindi pa rin nakakauwi ang nasa 83 pamilya o 282 indibidwal na tumutuloy sa multi-purpose gymnasium na isang evacuation center sa Barangay Roxas District sa Quezon City.

Ayon sa barangay, nagpatupad sila ng preemptive evacuation sa mga residente ng Barangay Roxas District noon pang Lunes, Setyembre 22 dahil sa banta ng pagtaas ng baha dulot ng bagyong Opong at ng Habagat.

Sa pinakahuling ulat ng barangay, mayroong 12 pamilya o 49 indibidwal ang lumikas patungo sa isa pang evacuation center na malapit naman sa Barangay Hall ng Roxas District.

Naghihintay pa ang barangay ng abiso mula sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagpapauwi sa mga inilikas sa kani-kanilang mga tahanan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here