Home NATIONWIDE Higit 800 pamilya sa Maynila dinala sa evacuation center sa epekto ng...

Higit 800 pamilya sa Maynila dinala sa evacuation center sa epekto ng Habagat

278
0

MANILA, Philippines – UMABOT sa mahigit 800 pamilya o may katumbas na 2,780 indibidwal ang lumikas sa kanilang tirahan sa anim na distrito ng Maynila para pansamantalang manuluyan sa 20 evacuation site na inihanda ng lokal na pamahalaang lungsod makaraang tumaas ang baha sa kanilang lugar dulot ng malalakas na buhos ng ulan bunsod ng habagat.

Personal naman na binisita nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Del Fuente nitong Martes ng umaga ang mga pamilya na pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation center upang kumustahin ang kanilang kalagayan.

Ayon kay Dela Fuente, kabilang sa mga evacuation site na ginamit ng lokal na pamahalaan ang Delpan Sports Complex, Vitas Building 18 covered court, Brgy 195 covered court sa District 1, Brgy. 199 Multipurpose Hall, Melchora Aquino Elem School, Gen. Gregorio Del Pilar Elem. School, at Brgy 204 Brgy. Hall sa District 2.

Sa District 3, ginamit din ang Regidor Elem. School, Barangay Hall ng Brgy. 326 at 296, Solex 1 sa Brgy. 292, at Teodora Alonzo High School habang sa District 4 ang Day Care Center ng Brgy. 456, Trinidad Tecson Elem School at ang District Welfare Office 5 sa District 5.

Apat na evacuation site naman sa District 6 kabilang ang Brgy. Likha Multipurpose Center, Don Bosco High School sa V. Mapa, Barangay Hall ng Brgy. 602 at 607, pati na rin ang Herminigilda Atienza Elem. School sa Baseco Compound.

Ayon kay Dir. Dela Fuente, namahagi sila ng “hot meals” o mainit na pagkain sa mga bakwit upang mainitan ang kanilang mga sikmura bunsod ng malamig na panahon dulot ng walang tigil na ulan gayundin ng malinis na tubig inumin sa iba’t-ibang evacuation areas, pati na ang kanilang mga pangunahing pangangailanan habang inihanda naman ng Manila Health Department (MHD) ang kakailanganing gamot para sa mga tatamaan ng sakit na nakukuha sa tubig-baha. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here