LAGUNA, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police sa nationwide security sa 2026 Summer Vacation (SUMVAC) base sa direktiba ni Chief PNP PChief Gen Jose Melencio C. Nartatez Jr. para sa seguridad, ligtas at kapayapaan sa nalalapit na holiday season.
Sa pamamagitan ng direktiba ay nakasuporta ang Police Regional Office ng Calabarzon sa pangunguna ni PBGen Hansel M. Marantan, kanila na umanong napaghandaan ang seguridad sa ilalim ng IMPLAN Ligtas SUMVAC 2026.
Tinatayang nasa kabuuang 14,025 personnel ang nakahandang italaga sa ibat-ibang lugar kabilang dito ang 8,453 PNP personnel 1,306 augmentation forces mula sa Armed Forces of the Philippines ( AFP), Bureau of Fire Protection (BFP ), Philippine Coast Guard ( PCG), at iba pang ahensya, samantalang 4,4266 forfe multipliers ,kabilang ang adocacy groups and trained volunteers.Ang mga itinalaga ay mula sa PRO4 Calabarzon ang mga ito ay para bantayan ang mga bumibiyahe at lugar kung saan mayroong nagaganap na okasyon partikular ang Lenten Season, Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, National Flag Day, Flores de Mayo at ibat-ibang local fiestas na sakop ng Calabarzon.
Para sa ligtas at seguridad ng mamamayan, ang PRO4 Calabarzon ay inalam na ang mga critical areas na nasa 1, 023, kabilang dito ang 216 lugar na mayroong ginaganap na workship na kadalasang pinupuntahan simbahan ng Antipolo City, ” Kamay ni Jesus” sa Quezon Province, Diocesan Shrine of St. John the Baptist sa Laguna, 87 transpormation terminals, 200 commercial establishments, and 227 tourist destinations kung saan inaasahang dadagsain ng mga tao.
Partikular sa mga itinalagang personnel ay naka focus sa mga matataong lugar, pagsasaayos ng daloy ng trapiko, at ang mahigpit na binabantayan ang mga gumagawa ng ilegal na aktibidad at siguridad ng residente gayundin ang mga bisita na mapanatili ang kaligtasan at maging masaya ang kanilang summer vacation.
Ayon kay PBGen Marantan ang lahat ng PRO4 Units ay naka full alert status simula March 27 and underscored the importance of proactive policing, risk assessment, and community collaboration.
“Aligned with the focused agenda of our Chief, PNP, we are strengthening the management of all public activities, intensifying crowd control measures, and implementing comprehensive risk management plans across all levels especially during red letter days and other significant holidays in the county,” ayon kay PBGen. Marantan.






