Home HOME BANNER STORY Higit P2 sirit-presyo sa mga produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

Higit P2 sirit-presyo sa mga produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

105
0

MAYNILA – Inaasahang tataas muli ang presyo ng langis sa susunod na linggo batay sa unang tatlong araw ng kalakalan sa world market.

Dahil sa tumitinding sigalot sa Middle East, tumaas ng mahigit P2 kada litro ang presyo ng mga imported na gasolina.

Batay sa unang tatlong araw ng pangangalakal, ang mga presyo ng Diesel ay posibleng tumaas sa P2.37/L, habang ang gasolina ay posibleng tumaas sa P2.21/L, at ang Keronese naman ay posibleng tumaas sa P2.48/L.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng langis para sa diesel at kerosene at pangatlong sunod na linggo para sa gasolina. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here