Home NATIONWIDE Higit P5-M ayuda pangkabuhayan, hatid ng DOLE sa Calabarzon

Higit P5-M ayuda pangkabuhayan, hatid ng DOLE sa Calabarzon

276
0

MANILA, Philippines – Mahigit sa P5 milyong tulong pangkabuhayan at emergency employment ang naipagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) CALABARZON.

Ayon sa DOLE, sa Calamba City, kabuuang P5.8 milyon ang ipinamahaging sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni DOLE CALABARZON Regional Director Atty. Erwin Aquino, simbolo ito ng pagtutulungan para sa iisang layunin—ang palakasin at bigyang-kapangyarihan ang mga komunidad.

Binigyang-diin din ni Officer-in-Charge Angelique Yaun na mahalaga ang pangmatagalang epekto sa kabuhayan at hindi lamang ang agarang tulong.

Patuloy na isinusulong ng DOLE ang whole-of-nation approach para sa mas inklusibo at matatag na kinabukasan ng bawat Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here