PAMPANGA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs Port of Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) sa panguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region lll ang nasa higit P75-Milyon halaga ng hinihinalang shabu at maaresto ang dalawang katao sa Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.
Sa ulat, alas 5:27 nitong sabado (August 30, 2025) nadiskubre umano ng mga otoridad ang mga kontrabando sa Federal Express (FedEx) Warehouse na isiniksik umano sa isang kargamento na ideneklarang “Industrial Water Chiller” na dumating at nagmula sa Mexico at naka-consigned sa isang address sa Cainta, Rizal.
Tinatayang nasa 11.04 Kilograms ng suspected shabu na nakabalot at selyado na isiniksik sa kargamento na nagkakahalaga ng P75,072,000 Milyon.
Naaresto din ang dalawang indibidwal na sina alyas “Dexs”, 52 anyos at alyas “Maca”, 54 anyos na nagtangka umano sanang ibiyahe ang mga nasabat na kontrabando.
Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nakumpiskang hinihinalang iligal na droga. (ROEL TARAYAO)