Home METRO Higit P7B ismagel na produkto nasabat sa Caloocan, Bulacan

Higit P7B ismagel na produkto nasabat sa Caloocan, Bulacan

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P7.3 bilyong halaga ng  smuggled goods, kabilang ang mga pekeng underwear, medyas, at iba’t ibang paninda ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) sa isinagawa nilang inspeksyon sa mga bodega sa Caloocan at Bulacan.

Gamit ang isang Letter of Authority, ang MICP team ay nagsagawa ng operasyon noong Marso 20, 2024, sa mga bodega sa Caloocan City at Bulacan. Tumulong sa BOC ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na opisyal ng barangay sa isinagawang operasyon at inspeksyon sa mga warehouse.

Nabatid sa BOC na nadiskubre nila ang mga kahon-kahong mga gamit sa kusina, appliances, damit, laruan, accessory sa computer, at mga pampaganda na pawang labag umano sa intellectual property rights.

Kasunod ng inspeksyon, ikinandado ng mga awtoridad ang nasabing bodega habang nakabinbin pa ang isinasagawang imbentaryo ng mga customs examiners na sinaksihan ng mga tauhan ng BOC at mga kinatawan ng warehouse.

“We are determined to stop these smugglers in their tracks. Our strengthened collaboration with law enforcement agencies will crack down these perpetrators and prevent the proliferation of infringing goods in local markets,” ani Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes

Previous article3 major repairs kasado sa NCR bilang paghahanda sa ‘The Big One’
Next article‘iRISE UP’ ibinida ng QC