Home HOME BANNER STORY Higpit-seguridad iniatas ng PNP Chief sa kapulisan

Higpit-seguridad iniatas ng PNP Chief sa kapulisan

MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang lahat ng yunit ng pulisya na magtaas ng alerto ngayong Semana Santa upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Sa command conference, iniutos niya ang mas pinaigting na presensya sa mga checkpoint, pag-iwas sa nakawan, at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at security personnel.

“Let us ensure the safety of our people. Let them feel the presence of the police force in checkpoints and chokepoints,” ani Marbil.

Binigyang-diin ni Marbil ang paggamit ng body camera at pagiging tapat sa ulat ng krimen.

Pinaalalahanan din ang kapulisan na manatiling apolitikal sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.

Hinikayat ang publiko na maging alerto, sumunod sa batas-trapiko, at agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad. Santi Celario