MANILA, Philippines – Palalakasin ang seguridad sa Lapu-Lapu City Jail Female Dormitory para sa hearing ni kontrobersiyal na kontraktor Sarah Discaya sa Enero 5, ayon sa Bureau of Jail and Management and Penology.
Sa Lapu-Lapu City RTC Branch 27, tatalakayin ang motion ni Discaya na manatili sa kustodiya ng NBI. Nakaiskedyul naman ang kanyang arraignment sa kasong malversation at graft sa Enero 13.
Ayon kay LCLCJFD warden Chief Insp. Ivy Christine Manigos, nakahanda ang mga hakbang para sa ligtas na transportasyon ni Discaya.
“While no official communication has been received regarding their decision to appear in person, the BJMP is nonetheless undertaking necessary preparations should a face-to-face appearance be decided upon,” aniya.
Nag-deploy din ang BJMP ng Special Tactics and Response Team para sa posibleng paglilipat niya.
Ginamit ni Discaya ang “E-Dalaw” system noong Pasko.
Siya at walong DPWH personnel ay nakakulong sa Cebu dahil sa umano’y “ghost” project sa Davao Occidental. RNT