Home IN PHOTOS Hijos pulis ipakakalat sa Traslacion 2026

Hijos pulis ipakakalat sa Traslacion 2026

326
0

MANILA, Philippines – Magdedeploy ng mga Hijos na pulis sa Pista ng Nazareno sa Enero 9, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo.

Sinabi ng Rev Fr. Robert Arellano, na hindi bababa sa 100 pulis at Hijos ang sasama sa prusisyon ng Poong Jesus Nazareno sa Traslacion.

Magsisilbi silang gabay at bantay para maging maayos at ligtas ang pag-usad ng andas ng Nazareno.

Pero nilinaw ng Simbahan na hindi sasalya ng lubid ang mga pulis at hijos pero sisikapin nilang maging tuwid ang lubid sa pamamagitan ng pagmamaneho sa mga naisa humawak o magsalya ng lubid.

Pipigilan din ng mga pulis ang mga menor de edad na humatak sa lubid na kadalasan ay mga nababalian ng buto o nasusugatan base sa mga nangyari sa nagdaang pista n Jesus Nazareno.

Ayon kay Alex Irasga, adviser ng Nazareno 2026, meron ding pulis sa itaas ng andas, at mayroon ding bantay sa magkabilang gilid at harapan.

Bagaman sila ay pulis, gagampanan nila ang pagiging hijos.

Sinabi naman ni Rev Fr. Arellano na ang mga hijos pulis ay mga matatagal nang deboto kayat alam nila ang nararamdaman ng mga kapwa deboto at kanilang mga nais gawin.

May sariling uniform na ipinagawa para sa mga hijos pulis na mula MPD, galing Kampo Crame at iba pang police district at region police office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here