Home HOME BANNER STORY Hiling ni Duterte na interim release ‘di pinayagan ng ICC prosecutor

Hiling ni Duterte na interim release ‘di pinayagan ng ICC prosecutor

230
0

MANILA, Philippines – Kinontra ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang interim release sa detention.

Sa tugon ng ICC na inihain noong Hunyo 23, tinukoy ng prosekusyon ang mga dahilan ng pagtutol sa apela ni Duterte na interim release.

Ayon sa prosekusyon, kailangan ang patuloy na detention ni Duterte upang masiguro ang pagharap niya sa trial.

Sinabi rin na ang dating Pangulo “does not accept the legitimacy of the legal proceedings against him”, dahilan upang ang kanyang patuloy na detention ay kinakailangan.

Idinagdag pa ang political position at international contacts ni Duterte, maging ang kanyang financial situation at resources “may be a factor that would enable them to abscond”.

Naniniwala rin ang prosekusyon na ang patuloy na detention ni Duterte ay “necessary to ensure that he does not obstruct or endanger the investigation or court proceedings”, noting that Duterte “has the ability to interfere with and intimidate witnesses if released”.

Anila, ang katotohanang si Duterte ay nahalal na alkalde ng Davao City at ang mga anak nito ay may posisyon sa gobyerno, ay nagpapakita na ang kanyang pamilya at mga kasamahan ay “capable of influencing and harming witnesses”.

Idinagdag pa na si Duterte at ang mga kasamahan nito ay mayroong kasaysayan ng pakikialam sa mga imbestigasyon laban sa kanila.

Katulad aniya rito ang mga kaso ng pananakot laban kay dating senator Leila de Lima at self-confessed hitman Edgar Matobato, maging ang banta ni Duterte sa mga tututol sa kanyang war on drugs nang siya ay presidente pa ng Pilipinas.

Bilang tugon naman sa sinasabi ng kampo ni Duterte na, “will not continue to commit crimes if released”, tinukoy ng prosecution ang naunang sinabi ni Duterte na plano niyang tumakbo bilang alkalde ng Davao City at nangako na dodoblehin ang mga patayan.

“While the Defense appears to take issue with the fact that the Prosecution relied upon a news article to support the claim that Mr. Duterte promised to double the killings when he returns to Davao City, the Defence, notably, does not dispute that Mr. Duterte made these comments,” idinagdag ng prosekusyon.

Pormal na naghain ng request for interim release ang kampo ni Duterte noong Hunyo 12.

Matatandaan na ibinasura rin ng ICC ang aplikasyon ni Duterte na idiskwalipika ang dalawang judge na dumidinig sa jurisdiction issue sa kanyang kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here