Home NATIONWIDE Hinigpitang visa requirement sa Chinese nat’ls aprub sa BI

Hinigpitang visa requirement sa Chinese nat’ls aprub sa BI

MANILA, Philippines – Malugod na tinatanggap ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mas mahigpit na hakbang na ipinatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbibigay ng entry visa sa mga Chinese national.

Ibinahagi ni Tansingco na noong Pebrero noong nakaraang taon, ang BI ay nagpatupad ng malaking pagbabago sa mga sistema nito sa pamamagitan ng pag-deactivate ng port operations division. Kamakailan din ay ipinakilala ng BI ang mga online na aplikasyon para sa mga extension ng tourist visa at iba pa nilang mahahalagang serbisyo.

Ibinahagi din ni Tansingco na sinimulan na rin nila ang mga integrated system sa maraming ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Migrant Workers, Department of Labor and Employment, at Commission on Filipinos Overseas, bukod sa iba pa, para gawing seamless ang mga verification at alisin ang mga pagkakataon para sa katiwalian sa pamamagitan ng pag-automate ng mga proseso.

Matatandaan na noong nakaraang Hunyo 13, inanunsyo ng DFA na ang mga Chinese national na nag-a-apply para sa temporary visitor’s visa sa Philippine foreign service posts ay kailangan nang magsumite ng kanilang Chinese Social Insurance Record Certificates.

Ayon sa DFA, ang naturang hakbang ay ginawa kasunod ng “headline discovery ng fraudulently-obtained passports at visas” na nagresulta sa ipinagbabawal na pagpasok at overstay ng mga dayuhan sa Pilipinas.

“Tightening of visa requirements is a welcome development and will add another strong layer of defense against illegal aliens attempting to abuse the country’s visa system,” ani Tansingco.

Noong 2023, tinanggihan ng BI ang pagpasok ng 3,359 foreign nationals, kung saan 61% nito ay posibleng maging public charge.

“We welcome this move to have a stronger pre-vetting action as both agencies work hand-in-hand to protect against the entry of undesirable aliens,” ani Tansingco. Jay Reyes