Home NATIONWIDE Hinihinalang debris ng rocket ng China narekober sa Palawan

Hinihinalang debris ng rocket ng China narekober sa Palawan

165
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng grupo ng mga mangingisda ang pagkakarekober nito ng hinihinalang rocket debris mula sa isinagawang Chinese space launch noong Enero 19.

Ayon kay City Councilor Elgin Robert Damasco, nadiskubre ng mga mangingisda ang mga debris walong nautical miles sa silangan ng Puerto Princesa City nitong Biyernes, Enero 30 habang nangingisda.

Hinila nila ito patungo sa city fishport malapit sa Puerto Princesa Baywalk.

“They reportedly saw it while they were fishing, about eight nautical miles from Puerto Princesa. They even dived to check, and it was said to be about three fathoms deep,” ani Damasco sa isang panayam.

Sinabi pa ng mga mangingisda na nasa dagat sila nang maganap ang rocket launch ng China at nakita ang mga debris na bumagsak dalawang nautical miles mula sa kanilang lokasyon.

Itinurn-over sa Philippine Coast Guard at Philippine National Police ang mga narekober na debris para tamang handling at disposisyon.

Isinagawa ng China ang pinakahuli nitong rocket launch noong Enero 19. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here