MANILA, Philippines – Pag-aaralan at pagdedesisyonan ng Department of Transportation (DOTr) ang petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na dagdagan ang pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), kung saan ang pagpapatupad nito ay magsisimula sa Abril.
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang petisyon sa pagtaas ng pamasahe ay dadaan sa pampublikong konsultasyon at pag-aaralan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at ng DOTr’s Rail Regulatory Unit (RRU).
Kapag maaprubahan, ang fare hike ay maipapatupad sa Abril ng mas maaga.
Sinabi ni Bautista na ang kasunduan na nilagdaan ng gobeyrno at LRMC noong 2016 ay pinahihintulutan na magtaas ng pamasahe tuwing ika-dalawang taon.
Gayunman, sinabi ni Garcia na ang pagtaa para sa LRT-1 ay inaprubahan lamang noong 2024 sa kabila ng paulit-ulit na petisyon ng LRMC noong 2018, 2020, 2022 at 2024.
Bahagi ng pagtaas ang gastusin sa LRT1 Cavite Extension project na magtataas ng apasidad nito nang karagdagan 80,000 pasahero at limang iba pang stations simula nang pasinayaan noong Nobyembre.
Noong Miyerkules, inanunsyo ng LRMC ,operator at maintennace provider ng LRT-1 ang kanilang paghahain ng petisyon para sa fare increase. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)