Home NATIONWIDE Hirit ni Revilla na ibasura P92M flood control case ibinasura ng Sandiganbayan

Hirit ni Revilla na ibasura P92M flood control case ibinasura ng Sandiganbayan

1
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang hirit ni dating Senador Bong Revilla at co-accused nito na ibasura ang malversation case sa umano’y ghost flood control project sa Bulacan na nagkakahalaga ng P92 milyon.

Ibinahagi ni Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma ang impormasyon nitong Miyerkules, Nobyembre 11 at sinabing si Revilla ay naghain ng motion for leave para maghain ng demurrer to evidence noong Oktubre 19.

“The court issued a resolution denying the motions for leave to file demurrer to evidence by all of the accused in the Revilla case,” sinabi ni Pulma.

Ang demurrer to evidence ay isang mosyon na inihahain ng akusado na naglalayong ibasura ang kaso sa ground na bigong makapagpresenta ng sapat na ebidensya ang prosekusyon.

Ani Pulma, ang initial presentation ng ebidensya ng depensa ay itinakda sa Nobyembre 24 hanggang 25, 2026.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong malversation of public funds sa umano’y pagsasabwatan sa illegal disbursement sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 milyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here