Home NATIONWIDE Hirit ni Romualdez na hospital arrest ‘di napag-uusapan sa Malakanyang

Hirit ni Romualdez na hospital arrest ‘di napag-uusapan sa Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – HINDI pinag-uusapan sa Malakanyang ang hirit ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na payagan ang mambabatas na sumailalim sa hospital arrest.

Si Romualdez ay inaresto noong Lunes sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City, sa kaparehong araw na inihain ng Office of the Ombudsman ang P7.4-billion plunder charge laban sa kanya at tatlo iba pa sa umano’y kaugnayan sa kickback scheme sa flood control projects.

“Sa ngayon walang pinag-uusapan tungkol sa hospital arrest, depende na po kasi iyan kung ano po ang magiging findings ng doktor,’ ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Tinuran pa ni Castro na mas nanaisin pa nila na ang magbibigay ng suhestiyon ay masasabing hindi kaugnay kay dating Speaker Romualdez.

“Kumbaga neutral, iyong ang kanyang findings ay neutral. So, depende na po iyan sa doktor, hindi iyan panghihimasukan ng administrasyon at hindi po natin masasaklawan kung ano ang pakiramdam, health condition ng sinumang akusado,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Castro na titiyakin ng gobyerno na hindi makatatakas si Romualdez na hanggang ngayon ay nasa ospital. Hindi aniya

“Sa mga kritiko, hindi mawawala ang kritisismo pero hindi natin mapipigil ang mga doktor kung ano ang nakikita nilang health condition ng isang akusado. Hindi naman din maipipilit ng PNP o ng pamunuan ng DILG na dalhin agad ang isang akusado na nasertipikahan na hindi pa nararapat na tanggalin or i-remove from the hospital,” ang paliwanag ni Castro.

“So, wala po tayo ng masasabi kung ano iyan, nandiyan po iyan sa pagtingin ng kanilang mga doktor at ang doktor naman ay dapat na nagsasabi ng katotohanan,” aniya pa rin sabay sabing “So, we will just give them the benefit of the doubt, ang mga doctors na nagsasabi na ang isang akusado ay hindi maganda ang karamdaman. But still, nakita naman po natin kung ano ang ginawa ng pamunuan ng DILG at PNP nandiyan pa rin po at kung nasa ospital naman po iyan hindi naman po siguro iyan makakatakas.”

Samantala alinsunod sa batas, ang maayos at walang VIP treatment sa pag-aresto kay Romualdez.

“Siguro po nakita ninyo naman po kung papaano tumugon ang pamunuan ng DILG, si Secretary Jonvic Remulla, noong nailabas na po ang warrant of arrest. Siya naman po ay agad na pinuntahan, si dating Speaker Romualdez ay pinuntahan agad sa ospital at nandoon na po, kumbaga, binantayan na po at kinailangan na lang pong i-monitor kung kailan siya maaaring dalhin sa tamang, let’s say, maaaring paglagyan sa kaniya,” ayon kay Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here