MANILA, Philippines – Pinalawak ng PhilHealth ang Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package nito, na nag-aalok ng taunang benepisyo na PHP58,500—95% mas mataas mula sa PHP30,000—para sa antiretroviral therapy, mahahalagang laboratory at klinikal na serbisyo para sa lahat ng may kumpirmadong HIV mula sa mga accredited na pasilidad.
Tiniyak ni Acting President Dr. Edwin M. Mercado na protektado ang personal na impormasyon ng mga pasyente, kasabay ng pagtaas ng kaso ng HIV, kabilang ang mahigit 5,500 bagong impeksiyon mula Hulyo hanggang Setyembre 2025.
Available ang OHAT Package sa 234 PhilHealth-accredited at DOH-designated treatment hubs sa buong bansa, upang suportahan ang maagang diagnosis, paggamot, at mas malawak na access sa pangangalaga. Dave Baluyot