Home NATIONWIDE Hiwalay na pondo para sa animal welfare sa 2025 isinulong ni Poe

Hiwalay na pondo para sa animal welfare sa 2025 isinulong ni Poe

160
0

MANILA, Philippines- Inihirit ni Senador Grace Poe ang kahalagahan ng paglalaan ng hiwalay na pondo sa 2025 national budget para sa pangangalaga ng hayop partikular ang aso at pusa, sa bawat barangay, upang matiyak ang kanilang proteksyon at makataong pangangalaga.

Sinabi ni Poe na nakatakdang suriin kung saan pwedeng kumalap ng pondo at kung magkano ang maaaring mailaan na nakadetalye para lamang sa kagalingan at pangangalaga ng hayop.

Idinagdag pa ni Poe, chairman ng Senate committee on finance, gagawin ang animal welfare item para sa ilang programa at aktibidad tulad ng pagkapon, spaying, anti-rabies shots, at suporta sa local government units na nagpapakalad ng pounds para sa aso at pusa.

“Makikita ang item sa animal welfare sa badyet. Dapat maglaan tayo ng pondo para kung saan ang ating adbokasiya,” giit niya.

Kasamang nagsusulong ni Poe sa naturang adbokasiya sina Senador Cynthia Villar at Nancy Binay, sa paglulunsad ng malawakang at pambansang kampanya para sa pagkakapon at spaying ng aso’t pusa bilang bahagi ng responsableng pag-aalaga.

Layunin nitong bawasan ang bilang ng aso at pusang gala na nagbibigay banta sa pagkakalat ng rabies kapag nakagat ng tao.

Sa ngayon, nakalagay ang animal welfare fund sa Bureau of Animal Industry, ng Department of Agriculture (DA).

“Pero, walang alokasyon sa spyaing at neuter program mula sa pambansang pamahalaan,” ani Poe.

Naunang inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2458 na naglalayong rebisahin ang Animal Welfare Act upang palakasin ang pamantayan, patakaran, rules and regulations, implementasyon at pagpapatupad kabilang ang mas mahigit na parusa sa sinumang lalabag.

Aniya, hindi na kailangan pang palakasin ang DA upang tugunan ang isyu sa animal welfare issues sa pamamagitan ng akmang kawanihan na mabibigyan ng sapat na pondo at permanenteng tauhan.

Layunin ng panukala na bumuo ng isang Barangay Animal Welfare Task Force upang bigyang kapangyarihan ang local officers na tugunan ang animal welfare issues nang mabilisan.

Gusto din ng senador na lumikha ng pamantayan patungo sa reponsableng pagmamay-ari ng alagang hayop, kabilang ang makataong pag-uugali at pananagutan sa lahat ng may kontrol o nagbibigay ng pag-aalaga sa hayop.

“Patuloy natin na isusulong ang ating panukala at para sa sapat na pondo sa animal welfare. Pero, mas krusyunal ang responsableng pagmamay-ari dahil sabi nga nila, sa likod ng bawat aso o pusa sa lansangan, may isang taong dapat sisihin,” ayon kay Poe. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here