Home METRO Holdaper utas sa sagupaan sa mga parak sa Samar

Holdaper utas sa sagupaan sa mga parak sa Samar

147
0

TACLOBAN CITY – Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isa at naaresto ang ikatlong suspek matapos ang robbery-holdup sa isang bus terminal sa Catbalogan City, Samar, ayon sa pulisya.

Batay sa ulat ng Samar Police Provincial Office, pumasok ang mga suspek sa cashier area ng terminal, nagdeklara ng holdap, at inutusan ang mga empleyado na ibigay ang kanilang pera at cellphone bago tumakas.

Namataan ng mga may-ari ang insidente sa pamamagitan ng surveillance cameras at agad na hinabol ang mga suspek, na nauwi sa engkwentro.

Dalawang suspek ang nasugatan at dinala sa ospital kung saan idineklarang dead on arrival ang isa, na kinilalang si “Jer,” residente ng Jiabong, Samar. Narekober sa kanya ang isang kalibre .45 na baril na may magazine na naglalaman ng anim na bala, pati na pera at cellphone.

Ang ikalawang suspek na si “Rob” ay patuloy na ginagamot sa ospital matapos magtamo ng sugat. Nakuha sa kanya ang isang patalim, jacket, at bonnet na may bullcap. Kalaunan ay ibinunyag niya ang kanyang pagkakakilanlan at ng kanyang mga kasamahan.

Naaresto naman ang ikatlong suspek, residente ng Agno, Pangasinan, sa isinagawang hot-pursuit operation sa Barangay Lagundi.

Ayon sa pulisya, nabawi ang lahat ng ninakaw na gamit at walang nasaktan na sibilyan. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here