Home HOME BANNER STORY Holiday pay rules sa Pasko, ipinaalala ng DOLE

Holiday pay rules sa Pasko, ipinaalala ng DOLE

374
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng patakaran sa sahod para sa mga pista sa Disyembre.

Ang Bisperas ng Pasko (Disyembre 24) at Bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31) ay special non-working days.

Kapag hindi nagtrabaho ang empleyado, “no work, no pay” ang ipapatupad maliban kung may patakaran o kasunduan ang kumpanya.

Ang trabaho sa mga araw na ito ay may dagdag na 30% sa basic wage para sa unang walong oras. Ang sobra sa walong oras ay may dagdag na 30% ng hourly rate.

Kung ang special day ay kasabay ng rest day ng empleyado, 50% ang dagdag sa basic wage sa unang walong oras, at 30% para sa overtime.

Ang Araw ng Pasko (Disyembre 25) at Araw ni Rizal (Disyembre 30) ay regular holidays.

Makakatanggap ang empleyado ng 100% ng sahod kahit hindi magtrabaho, basta nagtrabaho o naka-paid leave siya ang araw bago ang holiday.

Ang trabaho sa regular holiday ay may 200% ng daily wage para sa unang walong oras; ang sobra sa walong oras ay may dagdag na 30% ng hourly rate.

Kung ang regular holiday ay kasabay ng rest day, may dagdag na 30% ng 200% rate sa unang walong oras at 30% sa overtime. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here