Home NATIONWIDE Hontiveros umaasa sa pagpapangalan sa ex-official na nasa likod ng POGO

Hontiveros umaasa sa pagpapangalan sa ex-official na nasa likod ng POGO

MANILA, Philippines – Umaasa si Senador Risa Hontiveros na ilalantad na ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Chairperson at Chief Executive Officer Alejandro Tengco ang pangalan ng dating “high-ranking” official na tumulong sa pagbibigay ng gaming licenses sa mga illegal na Philippine offshore gaming operators (Pogo).

Ayon kay Hontiveros, magpapatawag siya ng pagdinig kaugnay nito.

“Umaasa ako na si Chair Tengco mismo ang dadating sa susunod na pagdinig at hindi na ang mga kinatawan niya lang,” sinabi ni Hontiveros.

Sa pahayag naman ni Tengco, sinabi niya na sasabihin ito ng PAGCOR sa tamang forum.

“Whoever that ex-Cabinet official turns out to be, the fact remains: POGOs are being used as a legal cover for scam hubs,” dagdag ni Hontiveros.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng Senado sa mga krimen na isinasagawa mismo sa loob ng mga POGO. RNT/JGC