Home NATIONWIDE Hormuz ‘di bubuksan ng Iran sa gitna ng US blockade

Hormuz ‘di bubuksan ng Iran sa gitna ng US blockade

84
0

TEHRAN — Sinabi ng Iran nitong Miyerkules na hindi nito muling bubuksan ang Strait of Hormuz habang nananatili ang US naval blockade, na tinawag nitong “blatant violation” ng umiiral na ceasefire sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon kay Iranian parliament speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, “A complete ceasefire only has meaning if it is not violated through a naval blockade. Reopening the Strait of Hormuz is not possible amid a blatant violation of the ceasefire.”

Sinabi rin ng Revolutionary Guards ng Iran na nasamsam ng kanilang naval forces ang dalawang container ships na nagtangkang dumaan sa mahalagang rutang pandagat.
Ipinadala umano ang mga barko sa baybayin ng Iran at kinilala bilang Panama-flagged MSC Francesca at Liberia-flagged Epaminondas.

Nauna nang iniulat ng UK maritime monitors ang ilang insidente sa strait, kabilang ang pamamaril at pag-atake sa mga barko, kung saan isa ay nasira ang bridge pero walang nasawi.
Ang Strait of Hormuz, na dinaraanan ng humigit-kumulang isang-kalima ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas, ay patuloy na apektado ng tensyon sa pagitan ng Iran at United States.

Sinabi ng US Navy na hinaharang nila ang ilang barkong may kaugnayan sa Iranian ports, habang inaatasan ng Iran ang mga barko na humingi muna ng pahintulot bago pumasok o lumabas sa Gulf.

Ayon sa US Department of Defense, nakasamsam din ang kanilang pwersa ng isang “stateless sanctioned” vessel na umano’y konektado sa Iran.

Sa kabila ng tensyon, may mga ulat na maaaring maganap sa loob ng ilang araw ang ikalawang round ng US-Iran talks sa tulong ng Pakistan, ngunit nananatiling hindi tiyak ang peace process.

Itinanggi ng Iran ang mga pahayag ng US kaugnay ng ceasefire, kabilang ang sinabi ni US President Donald Trump hinggil sa mga kaso ng mga protester, na tinawag ng hudikatura ng Iran na “false news.”

Sa Lebanon, apat ang nasawi sa Israeli strikes habang patuloy ang tensyon sa rehiyon, sa kabila ng hiwalay na ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here