Home METRO Hotline numbers ng Pasay BFP pansamantalang ‘di magagamit

Hotline numbers ng Pasay BFP pansamantalang ‘di magagamit

MANILA, Philippines- Inihayag ng Pasay City Bureau of Fire Protection (BFP) na ang kanilang dalawang hotline numbers na 88442120 at 8436523 ay pansamantalang hindi na muna magagamit ng publiko.

Ang anunsyo ng Pasay BFP ay inilabas nitong Miyerkules (Marso 20), ayon sa Facebook page post ng Pasay City Public Information Office (PIO).

Sinabi ng BFP na bagama’t hindi makokontak ang kanilang dalawang hotline numbers ay nagsagawa naman sila ng ilang alternative measures upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod sa mga insidente ng sunog at iba pang emergencies.

Dagdag pa ng BFP, maaaring kumontak ang publiko kung meron mang insidente ng sunog o iba pang uri ng insidente at emergencies na nangangailangan ng agarang tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa mobile number na 0927-471-4017.

Humihingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang BFP sa hindi maiwasang pangyayari sa hindi pa maaaring paggamit o pagkontak sa kanilang mga dating hotline numbers. James I. Catapusan

Previous articleNWRB nag-isyu ng cease and desist order vs Chocolate Hills resort sa illegal deep wells
Next articleBalikatan exercise aarangkada sa int’l waters