Home METRO HPG personnel na nasita sa EDSA busway tumakas; motor iniwan

HPG personnel na nasita sa EDSA busway tumakas; motor iniwan

MANILA, Philippines- Tumakas ang miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) at iniwan ang kanyang unregistered motorcycle matapos dumaan sa eksklusibong EDSA bus lane.

Nasita ng enforcers ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ngĀ  Department of Transportation (DOTr) ang hindi pinangalanang police officer sa kahabaan ng busway noong Hulyo 8.

Nai-record siya sa isang video habang hinaharang ng traffic enforcer.

Ayon sa DOTr, tumakas ang HPG officer at inabandona ang kanyang motorsiklo, na mayroon umanong expired registration.

Sinamsam ng DOTr ang motorsiklo at dinala sa Land Transportation Office, na magpapadala ng show-cause order laban sa pulis. RNT/SA