Home OPINION HULING ARAW NG PASKO NANG PAGSILANG

HULING ARAW NG PASKO NANG PAGSILANG

277
0

IPINAGDIWANG noong Linggo Enero 11, 2026 ng buong Simbahang Katolikong Kristyano ang Kapistahan ng Pagbibinyag sa ating Panginoong Hesukristo at ito rin ang huling araw sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang. Ang Mabuting Balita ay mababasa sa Mateo 3:13-17.

Nabinyagan na ni Juan Bautista ang lahat ng taong naroroon at gayon din si Hesus. Habang siya ay binibinyagan at nananalangin, nabuksan ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. At may isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.” (Lucas 3:15-16, 21-22)

Ang sakramento ng binyag ay dapat na mababanaag sa ating mga buhay. Ano ang tinutukoy kong mababanaag sa ating mga buhay? Ito ay walang dili’t iba kundi ang mabuting bunga ng binyag gaya ng kabutihan at katuwiran.

Ibig sabihin ay sa bawat paglaki natin ay palagi nating maaalala ang mga magagandang asal at aral na itnuturo sa atin ng ating mga magulang sa tahanan, ng ating mga guro sa paaralan at ng ating mga lingkod ng Diyos sa simbahan.

Ibig sabihin ay hindi tayo dapat nakakalimot at lumalayo sa kabutihan at katuwiran upang hindi tayo magaya sa ibang mga tao sa lipunan na nakakayang magnakaw ng limpak-limpak na halaga ng salapi, ng milyun-milyong halaga ng pera, ng bilyun-bilyong halaga ng pondo ng bayan na dapat sana ay nagagamit ng tama para sa batayang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan gaya ng libreng edukasyon, mataas na kalidad ng pagamutan para sa kalusugan, totoo o nakikitang matitibay na construction projects gaya ng flood control, tulay, kalsada at marami pang iba.

Ibig sabihin ay bilang mga binyagang Kristyano ay mayroon dapat tayong hangganan sa alam nating pag gawa ng mabuti, tama at makatwiran at ibig sabihin din ay ang paghinto o pag-iwas kung may tukso ng pag-gawa ng mali at masama.

Ibig sabihin ay bilang mga binyagang Kristyano ay may pananagutan tayo kung kaya tungkulin nating manindigang iwasan at labanan ang mali at masama gaya ng katiwalian o korapsyon at marami pang iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here