Home HEALTH Huling datos sa bilang ng bakunadong Pinoy vs COVID, noong Marso pa

Huling datos sa bilang ng bakunadong Pinoy vs COVID, noong Marso pa

MANILA, Philippines – Wala pang bagong impormasyon ukol sa bilang ng bakunado laban sa COVID-19 sa Pilipinas kung saan noong Marso 19 pa ang pinakahuling tala.

Ayon sa Department of Health (DOH) na hindi pa rin ito makakabuo ng pinakabagong mga numero “dahil sa patuloy na paglipat ng Vaccine Information Management System (VIMS) ng DICT (Department Of Information And Communications Technology).”

Noong Marso 19, 78.4 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19, na sumasakop sa 100.4% ng target na populasyon ng gobyerno.

Hindi bababa sa 7.1 milyong senior citizen, o 82.16% ng target na populasyon ng A2, ang nakatanggap din ng kanilang pangunahing serye ng bakuna.

Samantala, 23.8 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot. RNT