Home METRO Humalay sa menor-de-edad, timbog sa Valenzuela

Humalay sa menor-de-edad, timbog sa Valenzuela

102
0

MANILA, Philippines – TIMBOG ang 48-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad nang matunton ng tumutugis na mga pulis sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang akusado na si alyas “Kiel”, nakatala bilang No. 10 sa Top Ten Most Wanted Person sa Valenzuela CPS.

Ayon kay Col. Talento, may nakabinbing arrest warrant laban sa akusado na inisyu ng Valenzuela Ciy Regional Trial Court (RTC) Branch 270, noong September 21, 2021 para sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy., Maysan kaya agad ikinasa ng mga ito ang operation.

Dakong alas-11:10 ng umaga nang makorner ng pinagsamang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes at Northern District Intelligence Team, RIU-NCR, IG ang akusado sa harap ng Tierra Santa sa Maysan Road, Barangay Maysan.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang nasabing arrest warrant na may inirekomendang piyansa na P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos nito, dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para medical examination bago tiurnover sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS kung saan siya pansamantalang ikulong habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here