Home NATIONWIDE Human rights groups nanawagan, mga batas sa terorismo ibasura

Human rights groups nanawagan, mga batas sa terorismo ibasura

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga human rights group sa Department of Justice (DOJ) na ibasura ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa speech sa naturang rally, sinabi ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay sa Korte Suprema na “we told you so.”

“Anim na taon po ang nakakaraan. Ayaw po sana namin sabihin sa Korte Suprema, pero sasabihin ko na rin. We told you so, Supreme Court,” ani Palabay.

“Sinabi na po namin anim na taon na ang nakakaraan, unconstitutional. Lumalabag sa karapatang pantao at civil liberties, tatamaan ang mga aktibisa, ang mga nagpapahayag, ang mga ordinaryong mamamayan sa ilalim ng terror law,” dagdag pa niya,

Noong Disyembre 2021, kinatigan ng Korte Suprema ang pagdedeklara nito sa dalawang bahagi ng Anti-Terror Law bilang unconstitutional.

Ani Palabay, mayroong mahigit 256 indibidwal ang sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at na-detain dahil sa mga batas na ito.

“Marami po sa mga naging biktima ng terror law na ito ay mga magsasaka, mga katutubo, mga manggagawa, mga kababaihan, at mga kabataan,” aniya.

Sinabi pa ni Palabay na ang dalawang batas na ito ay ginagamit sa panggigipit ng mga indibidwal na lumalaban sa mga katiwalian.

“Dalawang batas na ginagamit para supilin ang mga lumalaban, ang mga nag eehersisyo ng ating mga karapatan, ang mga rebolusyonaryo para manaig ang mga kurakot, ang mga mamamatay tao, ang mga nagsasanla ng ating bansa sa mga dayuhan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here