Home OPINION HUWAG MAG-PANIC KAHIT EKONOMIYA BAGSAK! (2)

HUWAG MAG-PANIC KAHIT EKONOMIYA BAGSAK! (2)

2
0

KAHAPON nabanggit nating tuloy-tuloy na bumagsak o bumagal ang ekonomiya ng Pinas mula sa nakaraang taon o 2025 hanggang sa unang siyam na buwan (Enero hanggang Setyembre) ngayong 2026.

Mula sa P28 trilyong Gross Domestic Product na binubuo ng kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nilikha noong 2025, tinarget ng gobyernong Marcos na magbubunga ito ng 5.5% hanggang 6.5% o P1.5T hanggang P1.82T.

Ngunit iba ang nangyari dahil naging 4.4% o P1.23T lang ang naging bunga.

Ito’y dahil mas mababa at pababa nang pababa sa buong taon ang aktuwal na bunga ng P28T GDP.

Noong 2025, sa unang kwarto o Enero hanggang Marso, may paglago sa ekonomiya na 5.4%; sa ika-2 kwarto (Abril hanggang Hunyo) – 5.5%; sa ika-3 kwarto(Hulyo hanggang Setyembre) – 4.0%; at sa ika-4 kwarto (Oktubre hanggang Disyembre) – 3.0% batay.

Ngayong 2026 naman kumpara sa 2025, lalong lumala ang kalagayan dahil sa unang kwarto, lumago lang ang GDP ng 2.8% sa unang kwarto, 2.4% sa ikalawang kwarto at 2.1% sa ikatlong kwarto at nagkakahalaga lang ng P672 bilyon kumpara sa P1.23T noong 2025.

Napakalaki ang pagbansot o ikinabagal na nagbubunga naman ng higit na pagliit ng pondo ng gobyerno na ikahihirap lalo ng naghihirap nang mamamayan.

Magbubunga naman ito ng higit na sapilitang pangungutang ng gobyerno kaya mula sa P19.66T sa Setyembre hanggang sa P19.77T sa Disyembre ngunit kakambal nito ang panghihina o pagliit ng kakayahan nating magbayad ng utang sa anyo ng principal at interes dito dahil nga sa pagbansot ng ekonomiya.

Ibig sabihin din nito, dahil sa awtomatikong pagbabayad ng principal at utang na naglalaro sa P2T taon-taon, napakalaking kabawasan ito sa pambansang badyet na panserbisyong bayan, halimbawa ang P6.8T ngayong taon at P7.2T sa susunod na taon.

Kung palubog nang palubog tayo sa utang at pasama nang pasama ang ekonomiya o kabuhayan, magagawa ba nating HUWAG MAG-PANIC o mataranta, gaya ng nais na mangyari ng pamahalaan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here