Home METRO HVI tulak huli sa P1M tobats

HVI tulak huli sa P1M tobats

5
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang bagong identified tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation at makuhanan ng P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Rik Rik”, 33, ng Brgy., Lingunan.

Ayon kay Col. Talento, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police hinggil sa umano’y pagtutulak ng illegal na droga ni alyas Rik Rik sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Kaagad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni SDEU chief P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos magawa ng isa sa kanyang tauhan na makipagtransaksyon kay alyas Rik Rik.

Sakay ng kanyang motorsiklo, nakipagkita umano ang suspek para makipagtransaksyon sa isa sa mga operatiba ng SDEU na nagpanggap na buyer sa harap ng Palawan Child Development Center sa Saint Paul St., Brgy., Veinte Reales na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-10:35 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,020,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill, isang P500 boodle money at 16-pirasong P1,000 boodle money. P800 cash, itim na belt bag at gamit niyang Nmax motorcycle.

Ayon sa pulisya, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Secions 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here