BORNEO, Malaysia – Natuklasan ng mga siyentipiko sa Malaysia ang isang bagong species ng parasitic fungus sa kagubatan ng Borneo na umaatake sa tinatawag na “zombie fungus,” isang organismong sumasakop sa mga insekto bago tuluyang ikamatay ang mga ito.
Ayon sa Institute for Tropical Biology and Conservation ng University of Malaysia Sabah, nakuha ang fungus sa ilang field trips sa gubat ng Borneo.
Tinawag itong “hyperparasite” dahil “it effectively parasitises the primary pathogen,” ayon kay Deputy Director Jaya Seelan Sathiya Seelan.
“The fungus belongs to the genus Pleurocordyceps and acts as a specialized hyperparasite,” dagdag niya.
Ayon sa mga siyentipiko, ang bagong species ay umaatake sa mga langgam na infected na ng Ophiocordyceps o “zombie fungus,” na kumokontrol sa nervous system ng insekto at kalaunan ay pumapatay dito.
“Rather than manipulating the insect’s nervous system itself, Pleurocordyceps infiltrates and feeds directly on the thriving Ophiocordyceps tissue inside the host,” paliwanag ni Seelan.
Natagpuan ang species na pinangalanang Pleurocordyceps cornusynnemata sa isang patay na langgam mula Danum Valley sa southern Sabah. Nailathala rin ito sa journal na Phytotaxa noong Abril.
Hindi ito ang unang hyperparasite na natuklasan, ngunit ito ang unang kilalang species ng genus nito na may kakaibang “horn-shaped” structure.
May nadiskubre rin ang mga siyentipiko na isa pang fungus na pumapatay naman sa mga gagamba.
Ayon sa mga researcher, maaaring magamit ang mga bagong natuklasang fungi sa pagbuo ng antimicrobial drugs at bilang biological control laban sa mga peste sa agrikultura. RNT/MND