Home METRO Iba’t ibang baril, pampasabog nasamsam sa isang bahay sa San Juan

Iba’t ibang baril, pampasabog nasamsam sa isang bahay sa San Juan

MANILA, Philippines – Nilusob ng mga pulis at nasamsam ang iba’t ibang uri ng armas at pampasabog ang isang bahay sa San Juan City nitong Biyernes, Enero 5, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nagsilbi ng search warrant ang mga awtoridad kay Ronald Aquino Macapagal sa bahay nito sa N. Domingo St., Barangay Balong Bato dahil sa paglabag sa Republic Act (R.A.) 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Kasabay ng operasyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang iba’t ibang armas at pampasabog sa iba’t ibang kwarto maging sa sasakyan ni Macapagal.

Kabilang sa mga nakuha ay ang mga granada, pistola, shotgun at iba’t ibang uri ng ammunition at gun accessories.

Sinabi ni Nartatez na iniimbestigahan pa ng pulisya kung bakit nagmamay-ari ang suspek ng iba’t ibang armas at pampasabog.

“Yung wife ang nagbigay [ng] information against the subject person,” aniya.

“The wife will also file a case of rape. Accordingly, the subject person raped his own daughter. Naka-confine pa [yung] bata sa hospital, and complaint rape is also being prepared by our WCPD [Women and Children Protection Desk],” dagdag ni Nartatez.

Maliban sa operasyon, inaresto rin ng mga pulis si Macapagal na ngayon ay nasa kustodiya na ng San Juan police. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: First friday mass ng 2024 sa Quiapo
Next articleUS aircraft carrier Carl Vinson dumating sa bansa