Home METRO Iba’t-ibang klase ng baril, granada at bala nasamsam ng militar

Iba’t-ibang klase ng baril, granada at bala nasamsam ng militar

CAMARINES NORTE – Pinaniniwalaang pag-aari  ng mga teroristang New People’s Army ang natagpuang ibat-ibang klase ng armas, granada at bala ng militar sa Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte.

Ganap na alas-9:00 umaga ng Huwebes, Enero 9, nang madiskubre ang nasabing mga armas na kinabibilangan ng dalawang Cal. 30 machine guns, apat na M16 rifles, dalawang M14 rifles, dalawang M203 grenade launchers, 200 rounds of ammunition, isang improvised anti-personnel explosives device, 22 hand grenades, isang roll of detonating cord at sampung magazines.

Napag-alaman na kasalukuyan nagsasagawa ng search operation sa nasabing lugar ang pinagsanib na puwersa ng 16th Infantry Battalion at Labo Municipal Police Office makaraang makatanggap ng impormasyon na mayroong pagala-galang mga hinihinalang teroristang NPA na pawang armado.

Lubos ang pasasalamat ni Major General Cerilo Balaoro Jr. 2ID Commander sa mga residente ng Barangay Exciban na patuloy ang kooperasyon at suporta sa gobyerno para mapanatili ang kapayapaan. Ellen Apostol