Home ENTERTAINMENT Ibyang, ‘di susuko sa paghahanap sa ama!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ibyang, ‘di susuko sa paghahanap sa ama!April 20, 2026 17:241070 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kung ang nawawalang alagang hayop ay hinahanap, tao pa kaya?Simple lang ang analohiya ni Sylvia Sanchez sa kanyang nawawalang ama.In one of her guestings, ibinahagi ng actress-producer ang kuwento ng kanyan kamusmusan.Grade V pa lang daw siya noon sa kanilang lalawigan sa Mindanao nang huli niyang makita ang kanyang tatay.Inabandona kasi sila nito.Pero nangako naman ang amang nakilala niya bilang Roberto Campo na magpapakitang muli.Ito’y sa araw ng kanyang graduation sa elementary, pero tuluyan na itong hindi nagpakita mula noon.As a child, Sylvia longed for a father.Nakikibalita siya sa kanyang mga kamag-anak tungkol sa whereabouts ng kanyang ama na ang sabi’y nasa Brazil daw.Ibinigay pa nga ng kanyang tiyahing nakabase sa Mindanao ang address ng tirahan nito sa Brazil.Iba-iba ang mga impormasyong nasasagap ni Ibyang tungkol sa ama.May mga nagsasabing buhay pa ito, at meron din namang nagsasabing yumao na ito.Buhay man o hindi, all that Sylvia wants is to meet him para magkaroon na ng closure ang kanyang paghahanap.Kung sakali mang buhay pa, hindi na raw kailangan ni Sylvia na marinig ang paliwanag nito.No questions asked dahil ang mahalaga ay nakapiling niyang muli ito.At kung sakali mang yumao na ito, Sylvia simply wants to express her gratitude sa tatay niya na nagsilbing inspirasyon niya sa buhay.Totoo namang life’s unplesant experiences make us better, tougher individuals. Ronnie Carrasco III