
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal bilang bahagi ng paggunita ng ika-163 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani.

Bukod sa Manila LGU, kasama rin sa seremoniya ang Philippine Navy, National Historical Commission of the Philippines, National Parks Development Committee at iba pang sector.
Nagbigay din ng 21-gun salute ang Philippine Navy matapos ang wreath-laying ceremony.

Hiwalay din nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal at kawani ng NPDC.
Dumating din ang iba pang grupo para magbigay din ng bulaklak sa monumento ni Dr. Rizal.
