BINIGYAN ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng financial assistance sa pang-apat na batch ng mga rehistradong solo parents sa ilalim ng Saya All, Angat All program.
Umabot sa 220 Navoteños ang tumanggap ng P2,000 cash subsidy makaraang dumaan sa balidasyon ng mga bagong aplikante o mga renewed solo parent identification cards.
“Solo parents face many challenges in raising their children on their own. We want to ensure that they will have a means to provide for their families especially during trying times,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.
Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal para sa mga Solo Parents ay nagsimula bilang bahagi ng pandemic recovery program ng lungsod.
“We encourage Navoteño solo parents to register with our social welfare office to qualify for the program,” dagdag pa ng alkalde.
Base sa City Ordinance No. 2019-17, nagbibigay rin sa mga mahihirap na solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.
Sa panunungkulan ni city’s representative sa 18th Congress, si Tiangco ay co-authored ng House Bill 8097 kasama ng Senate Bill 1411 na pinagsama-sama sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. RA 11861 na karagdagang benepisyo sa mga solo parents kabilang ang P1,000 buwanang subsidiya at 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority sa scholarship programs at grants, automatic Philhealth coverage at iba pa.
Ayon kay Tiangco ang lungsod ang kabalikat ng pagpapairal ng nasabing batas sa pamamagitan ng Gender and Development Fund.(R.A Marquez)