MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang 3rd regular session ng 19th Congress na dinaluhan ng lahat ng 22 pang miyembro ng Senado nitong umaga ng Lunes, Hulyo 22, 2024.
Sa pagbubukas ng sesyon, inaprubahan ni Escudero ang dalawang resolusyon na nagsasabing pormal nang binuksan ng Mataas na Kapulungan ang sesyon saka magtutungo sa Mababang Kapulungan upang dinggin ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Bago magbukas ang sesyon, isa-isang nagsidatingan ang miyembro ng Senado, ngunit wala na si dating Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na opisyal na gumanap bilang kalihim ng Department of Education.
Nagsuot ng magagarang damit ang ilang kababaihang mambabatas kabilang sina Senador Grace Poe, Risa Hontiveros, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos.
“Sisiguruudihin natin na pulido an gbatas na makarating sa lamesa ng Pangulo pangunahin dito ang badyet na mabibinepisyuhan at maghahatid ng ginhawa sa ating mamamayan,” ayon kay Escudero sa kanyang speech.
Pagkatapos ng kanyang speech, pansamantalang sinuspinde ang sesyon ng Senado hanggang alas kuwatro ng Hapon upang dumalo sa SONA sa Mababang Kapulungan.
Inatasan ng lider ng Senado ang lahat ng miyembro na magtungo sa Mababang Kapulungan dakong alas tres ng hapon upang pormal na buksan muli ang sesyons sa bahagi ng Senado.