Home OPINION IKO-CONTEMPT KAYA SI MAGALONG?

IKO-CONTEMPT KAYA SI MAGALONG?

201
0

MAGDARAOS ang Kamara ng imbestigasyon ukol sa daan-daang bilyong korapsyon o pandarambong kaugnay ng mga ghost, substandard, putol-putol at iba pang maiskam na kontra-bahang proyekto.

Gagawin ito ng Committees on Public Accounts, Good Government at Public Accountability.

HILAW NA IMBESTIGASYON?

Ngayon pa lang, may nagsasabi na, kasama an gating Uzi, na magiging hilaw ang imbestigasyon ng Kamara.

Una, kontra si Congressman Zandro Marcos sa imbestigasyon sa Kamara sa pagsasabing suspek mismo ang mga kongresman sa iskam, kahit hindi sila direktang tinukoy, mula sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na “Mahiya naman kayo! sa nakaraang State of the Nation Address.

Hindi pupwedeng imbestigahan ng mga kongresman ang kanilang mga sarili, kasama ang mahigit 67 kongresman-kontraktor, diin ni Zandro.

Kaugnay nito, may kasali kaya sa iskam mula sa 215 kongresman na pumirma sa impeachment ni Vice President Sara Duterte? Hehehe!

Ikalawa, kung may masasagasaan umanong kongresman sa imbestigasyon, pasasagutin lang ang mga ito at kung positibo na may anomalya, ipapasa na nila sa ibang ahensya, kasama na ang Malakanyang na may sarili nang imbestigasyon.

Kilala ang mga kongresman na kung may iniimbestigahan sila, kasunod na nito ang pagsusumite nila ng mga rekomendasyon para sa prosekusyon o demanda gaya ng ginawa nila kay VP Sara.

Nagsampa sila ng impeachment sa Senado at kaso sa Office of the Ombudsman.

Sa maaanomayang kaso sa anti-flood projects, bakit titigil sila sa bukas sa publiko na imbestigasyon at ipapasa na lang nila ang bola sa Malakanyang o independiyenteng ahensya?

Sa ganitong kalagayan, hindi nga kaya magkatotoo ang tantiya ng iba na magiging hilaw ang imbestigasyon?

Paano nila ihahain sa taumbayan ang ganyang klaseng imbestigasyon?

Paano ang gastos nila sa mga oras ng imbestigasyon at hindi kaya pagsasayang lang ng oras ito?

HINAHAMONG MAGPAKITA NG EBIDENSYA

Sa ngayon, may mga kongresman na naghahamon sa mga gustong mahalukay ang pagkakasangkot ng mga kongresman sa P350 bilyong iskam.

Dapat umanong magbitbit ang mga ito ng mga ebidensya.

Anak ng tokwa, hindi kaya mas maganda sanang posisyon nila ang magdaos ng imbestigasyon makaraan silang makatanggap ng impormasyon sa mga anomalya sa halip na pagbitbitin ang mga importante ng mga ebidensya?

Sa police investigation, kahit tip lang, kumikilos na ang mga pulis para maaresto at maimbestigahan ang isang suspek sa krimen.

Parang ang dating ng mga kongresman na ganyan ay katulad sila noong 19th Congress na dinaraan sa contempt con kulong ang hindi nila magugustuhang resource person o testigo.

Pati nga si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, hinahamon nilang dumalo at magpakita ng mga ebidensya.

At kung hindi ito dadalo…tumigil na lang umano ito sa kadaldal.

Paano kaya kung bitbitin ni Magalong ang mga ebidensya na nahalukay nila ni Pang. Bongbong sa iskam sa rockhshed sa Kennon Road, Tuba, Benguet?

Paano kung isama niya ang mga nakita na rin mismo ng Pangulo sa mga iskam sa Bulacan at ang nadiskubre ni Senador Ping Lacson sa Oriental Mindoro na kaugnay ng iskam?

Iko-contempt at ikukulong kaya si Magalong?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here