Home METRO Ilang baboy sa QC nagpositibo sa African Swine Fever

Ilang baboy sa QC nagpositibo sa African Swine Fever

311
0

QUEZON CITY, Philippines – Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang baboy sa mga lechonan sa La Loma, Quezon City matapos magsagawa ng pagsusuri ang lokal na pamahalaan kasama ang Quezon City Veterinary Department.

Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, isasagawa ang culling o pagpatay sa mga apektadong baboy sa ilang establisyimento.

Samantala, 14 na lechonan ang pansamantalang ipinasara habang isinasagawa ang disinfection at patuloy na monitoring upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maprotektahan ang industriya ng karne sa lungsod. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here