Home METRO Ilang lugar sa Bulacan nagmistulang dagat sa high tide

Ilang lugar sa Bulacan nagmistulang dagat sa high tide

333
0

Bulacan – Ilang mababang lugar ang nagmistulang dagat na umanoy nakitaan ng mga bangkang bumabiyahe matapos  lusubin ng high tide o tubig-alat.

Sa report, bandang 9:00 ng umaga nitong Hulyo 10, naitala ang 4.3 feet high tide kaya hindi na madaanan ng maliliit na sasakyan ang pagitan ng Bantayan, Brgy. Panginay, Guiguinto, Brgy.Panginay, Balagtas.

Sa kalapit na lugar na kung tawagin ay Sulok sa Brgy. Panginay ay namataan na rin ang ilang bangka ang dumadaan sa kalye sa taas ng baha.

Naiulat din sa Brgy. Mercado, Hagonoy, na imbes mga tricycle o mga sasakyan pangkalsada ay mga libreng sakay sa bangka na ang pumapasada.

Samantala, wala na rin makadaang maliit na sasakyan sa Brgy. Taliptip, patungong Brgy. Ubihan sa lalim ng tubig-dagat high tide.

Sinasabing posibleng sinabayan din ang high tide nang pagbaba ng tubig mula sa mataas na bahagi ng Doña Remedios Trinidad, San Jose Del Monte at iba pang mataas na lugar na binayo ng ulan kamakalawa ng gabi kaya bumaha ang ilang nabanggit na mababang lugar.

Samantala, ilang lokal na pamahalaan ang nagpaubaya sa mga punong guro ng mga paaralan na kanselahin ang mga pasok sa araw na ito dahil sa lalim ng baha. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here