Home METRO Ilang lugar sa Davao City binaha

Ilang lugar sa Davao City binaha

MANILA, Philippines- Abot-tuhod na baha ang tumama sa ilang bahagi ng Davao City nitong Huwebes kasunod ng malakas na pag-ulan.

Base sa ulat nitong Huwebes, hindi rin madaanan ang ilang kalsada dahil sa baha sa Davao City.

Umapaw naman ang isang ilog sa Barangay Talomo Proper, dahilan upang bahain ang kalapit na mg bahayan.

Samantala, ilang residente ng Sto. Niño, South Cotabato ang stranded sa public wet market.

Iniulat ng state weather bureau PAGASA na maaaring umiral ng maulap na kalangitan na sasabayan ng pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga dahil sa low pressure na namataan sa silangan ng Mindanao.

Nakaamba ring makaranas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa Easterlies. RNT/SA