Home NATIONWIDE PH-US nuclear agreement suportado ng DOJ

PH-US nuclear agreement suportado ng DOJ

MANILA, Philippines- Suportado ng Department of Justice ang nuclear energy agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos o ang 123 agreement.

Sa tatlong pahinang legal opinion sa Department of Foreign Affairs (DFA), iginiit ni Justice Secretary Crispin Remulla ang kabuluhan at legalidad ng Agreement for Cooperation between the Government of the Philippines and USA concerning Peaceful Uses of Energy.

Ayon sa DOJ, mahalaga ang naturang kasunduan lalo pa at sa panahon ngayon ay walang katapusan ang pangangailangan na makahanap ng mas mainam na source of energy.

Sa tamang regulasyon at safety measures na nakalatag, ang nuclear energy research ang mabilis na paraan aniya ng bansa para makahanap ng source of energy.

Naaayon din umano sa Konstitusyon ang naturang kasunduan.

Sinabi ni Remulla na hindi taliwas sa national laws ng Pilipinas ang 123 Agreement.

Pinirmahan ang kasunduan nina Energy Secretary Raphael Lotilla at US Secretary of State Antony Blinken sa San Francisco, California nitong November 2023 habang idinaraos ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sa 123 Agreement, maaring magkaroon ng direktang palitan ng impormasyon, nuclear material, equipment at components ang US at Pilipinas.

Isa rin itong daan para sa posibleng nuclear power projects sa mga US provider. Teresa Tavares