Home METRO Ilang lugar sa Pasay at P’que #WalangTubig sa Undas

Ilang lugar sa Pasay at P’que #WalangTubig sa Undas

215
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Water concessionaire Maynilad Water Services Inc. ang implementasyon ng kanilang water service interruption sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa darating na Nobyembre 1 at 2.

Ayon sa Maynilad, ang pagpapatupad ng water service interruption sa mga nabanggit na petsa ay upang bigyan ng daan ang maintenance at aktibidad ng repair sa Putatan at Poblacion water treatment plants.

Ang maaapektuhang lugar sa Pasay ay ang mga barangay ng 181 hanggang 185 pati na rin ang Barangay 201 mula alas 2:00 ng hapon ng Nobyembre 1 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Nobyembre 2.

Gayundin sa ilang barangay sa Parañaque na kinabibilangan ng mga Barangay Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, at San Isidro ay makararanas din ng pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 2:00 ng hapon ng Nobyembre 1 na magtatagal ng hanggang alas 6:00 ng umaga ng Nobyembre 2.

Ang ilang lugar naman sa Barangay BF Homes, Don Bosco, at Marcelo Green ay makararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig ng 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 1 hanggang alas 11:00 ng umaga ng Nobyembre 2.

Kasabay nito ay pinayuhan ng Maynilad ang mga residente ng maapektuhang lugar na mag-ipon na ng tubig habang maaga bago pa man nila maipatupad ang nakatakdang water service interruption. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here