Home NATIONWIDE Ilang miyembro ng PDP pwedeng makasali sa Senate slate ng mga Duterte...

Ilang miyembro ng PDP pwedeng makasali sa Senate slate ng mga Duterte – VP Sara

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Hunyo 29 na posibleng may makasamang mga miyembro ng PDP sa pinaplanong senatorial slate ng kanyang ama at dalawa pang kapatid para sa 2025 midterm elections.

Aniya, ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at mga kapatid na sina Paolo at Sebastian, ay naghahanda na para sa senatorial elections sa susunod na taon.

“When I talked to the group of former president Rodrigo Duterte, they told me that they are now preparing to run,” sinabi ni Duterte.

“When I also talked to my older brother, (Paolo) Pulong Duterte, he told me that he was ready to run for senator,” dagdag pa niya.

“The people around my youngest sibling (Sebastian) Baste Duterte also informed me that they are preparing or already prepared.”

Sa kabila nito, hindi naman nagbanggit si Duterte ng iba pang pangalan na posibleng lumahok sa senatorial slate ng mga kapamilya.

”Hindi ko alam kung meron ba silang mga kasamahan sa lineup pero dahil, ito ay assumption ko lang, si Pangulong Duterte ay galing sa PDP, likely kasama rin niya ang ibang PDP na mga senador,” ani Duterte. RNT/JGC