Home NATIONWIDE Ilang miyembro ng SAF itinalaga bilang security sa Sablayan Prison and Penal...

Ilang miyembro ng SAF itinalaga bilang security sa Sablayan Prison and Penal Farm

MANILA, Philippines – Itinalaga sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro ang 76 na miyembro ng elite Philippine National Police Special Action Force (PNP- SAF) para mapaigting ang seguridad sa naturang pasilidad.

Sinabi ni Bureau of Corrections (Bucor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ang naturang hakbang ay bahagi ng pagpapalakas sa safety protocols at matiyak ang epektibong pamamahala.

Si Deputy Director General for Operations Gil Torralba ang inatasan na mangasiwa sa pagdating ng SAF personnel.

“The integration of these highly trained officers aims to further enhance the prison’s security measures, particularly following directives from Justice Secretary Jesus Crispin Remulla regarding the transfer of inmates with drug-related convictions to SPPF,” ani Catapang.

Pinangunahan ni Torralba ang pinagsamang operasyon na tinawag na Task Force Sanib-Pwersa sa Camp Pasungi sa loob ng SPPF.

Kasama sa task force ang BuCor, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at PNP-SAF.

Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakasabat ng mga cellular phones, mga sigarilyo, cellphone chargers at 16 na assorted bladed weapons. TERESA TAVARES