Home METRO Ilang pumping stations pinasinayaan sa Navotas

Ilang pumping stations pinasinayaan sa Navotas

Larawan kuha ni Jojo Rabulan

PINANGUNAHAN nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagbabasbas at inagurasyon ng karagdagang pumping stations, bagong multi-purpose building, bilang bahagi ng 17th cityhood anniversary ng Navotas.

Ang Navotas ay mayroon nang 81 pumping stations sa lungsod at ang mga bagong pumping stations ay sa Kanduli, Martiniko, Mamale Site 8, at Mamale Alley sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at Takino St. sa Brgy. Bangkulasi.

Pinaliwanag ni Mayor Tiangco na ang mga pumping stations ay mahalaga upang maiwasan ang pagbaha.

“By enhancing our flood control measures, we are not only protecting our residents but also contributing to the development of our city,” ani ng alkalde.

“We urge our fellow Navoteños to help us in taking care of these facilities. Keeping our surroundings clean and practicing responsible waste disposal are simple yet effective ways to ensure these stations function effectively,” dagdag pa ni Mayor Tiangco.

Pinaboran naman ni Congressman Tiangco ang saloobin ni Mayor Tiangco sa papel ng komunidad sa inisyatibo ng flood control

“Flood control is a shared community responsibility. While these pumping stations are integral to our infrastructure, their effectiveness hinges on collective action—ensuring their optimal function by refraining from littering and responsibly disposing of waste,” ani Congressman Toby Tiangco. (R.A Marquez)