MANILA, Philippines- Maagang bumoto ang ilang senatorial candidates na senior citizens sa kani-kanilang polling precincts nitong Lunes para sa May 2025 midterm elections.
Dumating si incumbent senator, Lito Lapid sa Porac Elementary School sa Porac, Pampanga ng alas-5 ng umaga para makaboto agad.
Bumoto na rin si dating senador Panfilo “Ping” Lacson sa Imus, Cavite bago matapos ang early voting hours.
Nagtungo naman si senatorial candidate Willie Revillame sa kanyang polling precinct sa Quezon City sa early voting hours.
Pinayagang makaboto nang maaga ang senior citizens, persons with disability, at mga buntis mula 5 hanggang 7 a.m. nitong Lunes. RNT/SA