MANILA, Philippines – Nagkasa ng operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng DOTr kung saan ilang mga tsuper ng pampasaherong jeep sa Maynila ang nabulaga.
Nasita ang ilang mga jeep dahil sa mga paglabag tulad ng walang plaka sa likuran, pudpod ang gulong, at hindi na karapat-dapat pang bumiyahe.
May ilan tsuper din ang pumapasada ng jeep na expired na ang lisensiya ng tatlong taon.
Isa naman ang nagpalusot pa kung saan nahuli daw sa Lipa, Batangas pero walang maipakitang violation ticket.
Kaugnay nito, binigyan muli ng violation ticket ang tsuper pero hindi na ito makakabiyahe pa dahil ibabalik sa operator ang jeep.
Oobligahin din ang mga nasitang jeep na dalhin ang mga sasakyan sa LTO upang suriin at alamin kung pwede pa itong bumiyahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden